(Hepatitis B: What Asian and Pacific Islander Americans Need to Know)

Alam mo bang ang mga Asyanong- Amerikano at mga Amerikanong taga-islang Pasipiko at iba pang mga ipinanganak sa ibang bansa ay mas nanganganib para sa chronic hepatitis B, na maaaring magtungo sa kahinaan ng atay at kanser sa atay?

Ano ang hepatitis B?

Ang hepatitis B ay isang sakit sa atay na kumakalat sa pamamagitan ng paghawa sa dugo, semen, o iba pang likido mula sa katawan ng isang taong nahawaan ng virus ng hepatitis B. Ang sakit ay pinakakaraniwang kumakalat mula sa isang nahawahang ina patungo sa kanyang sanggol sa kapanganakan pa lang. Ang hepatitis B ay kumakalat din sa pamamagitan ng pakikipagtalik, pagdidikit ng mga sugat, at paghawak sa mga bagay na may dugo, tulad ng mga pang-ahit, sipilyo, mga hiringgilya at karayom na ginagamit sa katawan.

Liver Organ

 

Ang hepatitis B ay hindi kumakalat sa pamamagitan ng karaniwang paghahawak tulad ng pakikipagkamay o pagyakap; ni hindi ito kumakalat sa pamamagitan ng pakikibahagi ng pagkain o mga inumin, sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo, o sa pamamagitan ng pagpapasuso.

[Pumunta sa Itaas ]

Ano ang chronic hepatitis B?

Ang hepatitis B ay maaaring magsimula bilang isang mabilisan at tila-trangkaso na sakit. Karamihan sa mga malulusog na adulto at mga bata na mas matanda sa 5 taong gulang ay ganap na gumagaling makalipas na maalis ng immune system ng katawan ang virus.

Ang hepatitis B ay nagiging talamak kapag hindi maalis ng immune system ng katawan ang virus. Sa paglaon ng panahon, ang pagkakaroon ng virus ay maaaring magtungo sa pamamaga ng atay; sugat sa tissue ng atay, na tinatawag na cirrhosis; o kanser sa atay. Ang pamamaga ay ang masakit na pulang pamamaga na nagiging resulta kapag ang mga tissue ng katawan ay nahawahan. Ang mga bata at taong may mahinang resistensya ng katawan ay lalong nanganganib. Ang mga sanggol na nahahawahan ay mayroong 90 porsiyentong posibilidad na magkaroon ng hepatitis B.1

1Weinbaum CM, Williams I, Mast EE et al. Recommendations for identification and public health management of persons with chronic hepatitis B virus infection. Morbidity and Mortality Weekly Report Recommendations and Reports. 2008 September 19;57(RR–8):1–20.

[Pumunta sa Itaas ]

Bakit mas nanganganib ang Mga Asyano at Taga-Islang Pasipiko?

Mula pa noong 1986, mayroon nang bakuna para sa Hepatitis B at dapat ibigay sa mga bagong-silang na sanggol at sa mga bata sa Estados Unidos. Gayunman, ang bakuna, ay hindi handang makuha–o kamakailan lamang naging handa– sa maraming bahagi ng mundo. Mas mataas ang iyong panganib para sa hepatitis B kung ikaw o ang iyong ina ay ipinanganak sa rehiyon ng mundo kung saan karaniwan ang hepatitis B, na nagkakahulugan na 2 porisyento o higit pa ng populasyon ay nahawahan ng virus ng hepatitis B.1 Karamihan sa mga bansa sa Asya at mga Islang Pasipiko, 8 hanggang 16 porsiyento ng populasyon, ay talamak na nahawahan.2

2 Custer B, Sullivan SD, Hazlet TK, Iloeje U, Veenstra DL, Kowdley KV. Global epidemiology of hepatitis B virus. Journal of Clinical Gastroenterology. 2004 November;38(10 Suppl 3):S158–S168.

[Pumunta sa Itaas ]

Ano ang mga sintomas ng chronic hepatitis B?

Ang hepatitis B ay tinatawag na “tahimik na nakamamatay” dahil maraming tao ay walang mga sintomas, kaya’t ang sakit ay madalas na sumusulong nang hindi napapansin sa paglipas ng mga taon. Sa kasamaang palad, marami sa mga tao ang nakakaalam sa unang pagkakataon na sila ay may chronic hepatitis kapag unti-unti na silang nagkaroon ng malubhang pinsala sa atay, na kinabibilangan ng

  • madilaw-dilaw na mga mata at balat, tinatawag na jaundice
  • isang namamagang tiyan o sakong
  • pagiging pagod
  • pagduduwal/pagsusuka
  • kahinaan
  • kawalan ng ganang kumain
  • kawalan ng timbang
  • mga lagusan ng dugo na tila-gagamba, na tinatawag na spider angiomas, na nabubuo sa balat

[Pumunta sa Itaas ]

Sino ang nanganganib sa hepatitis B?

Kahit sino ay maaaring makakuha ng hepatitis B, ngunit ng ilang mga tao ay mas mataas ang panganib, kasama na ang

  • mga taong ipinanganak ng isang ina na may hepatitis B
  • mga taong may malalapit na ugnayan sa isang nahawahan ng virus ng hepatitis B
  • mga taong nakatira sa bahagi ng mundo kung saan pangkaraniwan ang hepatitis B, kasama na ang karamihang mga Asyano at Taga-Isla Pasipiko
  • mga taong nalantad sa dugo o mga likido ng katawan sa trabaho
  • mga taong sumasailalim sa hemodialysis
  • mga taong may (mga) kasiping na may hepatitis B
  • mga taong mayroong higit sa isang kasiping sa nakaraang 6 na buwan o may kasaysayan ng sexually transmitted disease
  • mga gumagamit ng iniiniksyong gamot
  • mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki

[Pumunta sa Itaas ]

Paano ko mapoprotektahan ang aking sarili at iba pa mula sa hepatitis B?

Magpasuri kung ikaw ay Asyano, Taga-Isla Pasipiko o mula sa iba pang rehiyon kung saan ang hepatitis B ay pangkaraniwan. Mas madali kang masusuri at, mas madali kang makakakuha ng mga hakbang upang protektahan ang iyong sarili at ang iba.

Maaaring suriin ng isang tagabigay-serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan ang iyong dugo upang makita kung ikaw ay kasalukuyang nahawahan o nahawahan na dati. Kung ang resulta ay positibo, maaaring sukatin ng doktor ang antas ng virus at enzyme sa inyong dugo upang matiyak kung ang virus ay aktibo o nagdudulot ng pinsala sa atay. Maaaring gumamit ang doktor ng ultrasound— isang pamamaraan na gumagamit ng "sound waves" upang makalikha ng mga imahe ng mga panloob na tissue at organ ng katawan—upang suriin para sa kanser sa atay, na tinatawag din na hepatocellular carcinoma. Maaaring hindi ka kailangang gamutin kaagad, ngunit kinakailangan mo ng pana-panahong pagsusuri upang mabantayan ang kalusugan ng iyong atay. Hikayatin ang iyong kapamilya at iba pang mga malalapit sa iyo na magpasuri.

Naiiwasan ang hepatitis B. Magpabakuna kung hindi ka pa nahahawahan. Ang bakuna laban sa hepatitis B ay ibinibigay sa pamamagitan ng tatlong bakuna sa loob ng 6 na buwan. Kailangan mong makuha ang lahat ng tatlong bakuna upang ganap na maprotektahan. Ang bakuna ay ligtas sa mga tao sa lahat ng edad, kasama na ang mga buntis at sanggol.

Kung sa iyong palagay ay kamakailan kang nalantad sa virus ng hepatitis B, magpatingin kaagad sa iyong doktor. Ang unang dosis ng bakuna laban sa hepatitis B na pinagsama sa hepatitis B immune globulin—isang iniksyon ng mga antibodies na pansamantalang nagpoprotekta laban sa impeksyon ng hepatitis B—ay maaaring makahadlang sa impeksyon.

Walang kasalukuyang lunas para sa hepatitis B, ngunit may ilang mga gamot ang naaprubahan para sa paggamot ng chronic hepatitis B. Ang layunin ng paggagamot ay upang bawasan ang panganib ng pinsala sa atay, liver cirrhosis, at kanser sa liver sa pamamagitan ng pagbabawas sa pamamaga ng atay at sa dami ng virus sa katawan. Ang mga kasalukuyang gamot ay hindi ganap na nagtatanggal sa virus, kaya’t ang paggagamot ay kadalasang tumatagal habang-buhay. Ang mga taong may chronic hepatitis B ay dapat na umiwas sa alak, ipinagbabawal na gamot, mga supplement, at "herbal" na gamot na maaaring makapinsala sa atay.

[Pumunta sa Itaas ]

Paano ko mapoprotektahan ang aking anak mula sa hepatitis B?

Ang pagpapasuri para sa hepatitis B ay lalong mahalaga para sa mga buntis. Kung hindi ka nahawahan, magpabakuna. Kung ikaw ay may hepatitis B, tiyakin na alam ng doktor at ng mga kawani na magpapaanak sa iyong sanggol, upang mabawasan nila ang panganib ng pagkakahawa ng iyong sanggol. Ang bakuna laban sa hepatitis B at hepatitis B immune globulin ay dapat na ibigay sa iyong anak pagkapanganak kaagad nito, na lubusang magpapababa sa posibilidad ng impeksyon.

[Pumunta sa Itaas ]

Saan ako maaaring makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa hepatitis B?

Centers for Disease Control and Prevention
National Center for HIV/AIDS, Viral Hepatitis, STD, and TB Prevention
Division of Viral Hepatitis
1600 Clifton Road, Mailstop G–37
Atlanta, GA 30333
Phone: 1-800–232–4636
TTY: 1–888-232–6348
Fax: 404–718–8588
Email: [email protected]
Internet: www.cdc.gov/hepatitisExternal Link Disclaimer

National Digestive Diseases Information Clearinghouse
2 Information Way
Bethesda, MD 20892–3570
Phone: 1–800–891–5389
TTY: 1–866–569–1162
Fax: 703–738–4929
Email: [email protected]
Internet: www.digestive.niddk.nih.gov

Ang National Digestive Diseases Information Clearinghouse ay isang serbisyo ng National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases (NIDDK). Ang NIDDK ay bahagi ng National Institutes of Health ng U.S. Department of Health and Human Services.

Ang lathalang ito ay walang copyright. Hinihimok ng Clearinghouse ang mga tao na kopyahin at ipamigay ang kahit na ilang kopyang ninanais.

[Pumunta sa Itaas ]

Mga Pagpapasalamat

Ang mga lathalang ginawa ng Clearinghouse ay mainam na nirepaso ng parehong mga siyentipiko ng NIDDK at ng mga panlabas na dalubhasa. Ang lathalang ito ay nirepaso ni Tram T. Tran, M.D., Cedars Sinai Medical Center, Geffen UCLA School of Medicine, Los Angeles.

[Pumunta sa Itaas ]

“NIDDK Awareness” and Prevention Series logo. 

Ang NIDDK Awareness and Prevention Series ay ginawa upang matanong mo ang iyong sarili, “Ako ba ito o ibang tao na malapit sa akin?” Kaya’t mainam na basahin. Ang karagdagang impormasyon sa paksang ito at iba pang mga pamagat sa serye ay handang makuha sa National Digestive Diseases Information Clearinghouse o sa Internet sa www.digestive.niddk.nih.gov.

NIH Publication No. 11–7463T
Hunyo 2011

[Pumunta sa Itaas ]

Page last updated May 10, 2012